Coordination Meeting held to strengthen School Security and Community Support in Los Baños (July 15, 2026)
Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang Coordination Meeting on School Security and Community Support kasama ang mga School Heads ng DepEd Los Baños District Sub-Office sa pangunguna ni Public School District Supervisor (PSDS) Ms. Soledad Villanueva, gayundin ang mga Punong Barangay ng Los Baños noong Hulyo 15, 2026 (Miyerkules) sa Los Baños Central Elementary School (LBCES) Conference Room.
Nakiisa rin sa pagpupulong si SK Federation President Hon. Samantha Banasihan-Ortega kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan, gayundin ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan at yunit ng Pamahalaang Bayan, ang Philippine National Police, at Task Force Ugnay. Sa sama-samang pagkilos, patuloy na isinusulong ang pagpapatibay ng koordinasyon at mga hakbang para sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa mga paaralan sa ating bayan.
#CoordinationMeeting
#SchoolSecurity
#CommunitySupport
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
