MENU
Philippine Standard Time:
Civil Society Organizations convened for the formation of the Los Baños People's Council (July 13, 2026)
Published date: Jul 13, 2026
Civil Society Organizations convened for the formation of the Los Baños People's Council (July 13, 2026)

Patuloy na isinulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, ang mas bukas, inklusibo at may aktibong pakikilahok ng mamamayan sa isinagawang pagpupulong para sa paglikha at organisasyon ng Los Baños People's Council (LBPC) noong ika-13 ng Hulyo 2026 (Lunes) sa Municipal Audio-Visual Room (AVR). Dinaluhan ito ng labing-anim (16) na akreditadong Civil Society Organizations (CSOs) ng bayan bilang bahagi ng pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 2026-2482 o ang CSO Desk and People's Council Ordinance of Los Baños.

Sa pagpupulong, tinalakay ang organisasyonal na balangkas, mga tungkulin at responsibilidad ng Los Baños People's Council, kabilang ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR), Konstitusyon at By-Laws, at iba pang mahahalagang hakbang para sa ganap na operasyon ng konseho. Pinangunahan ang aktibidad ni Mr. Christian Rey D. Bocala, CSO Desk Officer, sa suporta at gabay ni Mayor Nocon, bilang patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan na palakasin ang pakikipagtulungan ng mga Civil Society Organizations sa pagsusulong ng mabuting lokal na pamamahala at napapanatiling pag-unlad ng bayan ng Los Baños.

#LosBañosPeoplesCouncil

#CivilSocietyOrganizations

#PeoplesCouncilOrdinance

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 149 Total Views

Related:


;