MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños bolstered community safety through 3rd Quarter MPOC–MADAC Meeting (July 13, 2026)
Published date: Jul 13, 2026
Los Baños bolstered community safety through 3rd Quarter MPOC–MADAC Meeting (July 13, 2026)

Bilang bahagi ng ibayong pagsusulong ng isang ligtas at mapayapang pamayanan, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, ang 3rd Quarter Joint Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) nitong Hulyo 13, 2026 (Lunes) sa Municipal Conference Room. Nakiisa sa pagpupulong ang mga kasapi ng MPOC at MADAC mula sa iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga pambansang ahensya, at Civil Society Organizations (CSOs).

Tampok sa pagpupulong ang ang mga pangunahing ulat at kaugnay na hakbangin para sa pagpapatatag ng seguridad, pagpapanatili ng kaayusan, at pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga sa bayan. Kabilang dito ang Peace and Order Situation Report na inilahad ni PLTCOL Alexy E. Sonido, ang 1st Semester 2026 Accomplishment Report ng Los Baños Municipal Jail na ibinahagi ni BJMP Acting Jail Warden JINSP Joel Pamfilo N. Del Rosario, at ang ulat ni ADAO Head Shirley D. Andrade hinggil sa implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP), gayundin ang iba pang mga hakbang at inisyatiba ng pamahalaan para sa pagpigil at pagsugpo sa ilegal na droga sa. Patunay ang pagpupulong na ang epektibong pamamahala ay nagsisimula sa matatag na ugnayan at sama-samang pananagutan para sa kapayapaan at kaayusan ng ating bayan.

#MunicipalPeaceAndOrderCouncil

#MunicipalAntiDrugAbuseCouncil

#MPOCMADAC

#3rdQuarter2026JointMeeting

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 290 Total Views

Related:


;