Philippine Coast Guard and Municipality of Los Baños strengthened ties for safer communities (July 13, 2026)
Pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, ang ugnayan at koordinasyon sa mga katuwang na ahensya sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa bayan sa pamamagitan ng courtesy visit ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) sa Tanggapan ng ating Punong Bayan nitong Hulyo 13, 2026 (Lunes).
Kabilang sa mga bumisita sina CDR Emmanuel Daugate, LTJG Nolly T. Cabajar, PO2 Judel D. Catalan, PO2 John Jayzer M. Nizal, ASN Jhed Bench G. Basas, ASN Pole Andrew B. Matel, ASN Vincent E. Eder, at ASN Mark John Angelo L. Gereta, pawang mga kinatawan ng Philippine Coast Guard mula sa CGSS Laguna at, CGSS Los Baños. Naging daan ang nasabing courtesy visit upang higit pang mapagtibay ang koordinasyon at pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng Philippine Coast Guard sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kaligtasan, kahandaan sa sakuna, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
