Courtesy visit celebrated Los Bañense Athletes' achievements in National and International Competitions (July 13, 2026)
Magiliw na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa kanyang tanggapan noong Hulyo 13, 2026 (Lunes) ang mga natatanging atletang Los Bañense sa isang courtesy visit, kasama si OIC-Local Youth Development Office (LYDO) Ms. Revilyn D. Perez upang ibahagi ang kanilang mga tagumpay at karanasang nagbigay ng karangalan sa bayan. Kabilang sa mga bumisita ang mga atleta ng Summit Sports Academy (SSA) sa pangunguna ng kanilang mga coach na sina Sensei Christian Dhan Deblois at Senpai Jhon Michael Paz, na nagwagi sa 10th MKKPI Karatedo Championship na ginanap noong Hunyo 20, 2026 sa Robinsons Metro East: Gold Medalists na sina Ms. Elisha Dominique Maglinte at Mr. Xhienelram Aquino; Silver Medalists na sina Ms. Rhyza Joy Flores at Ms. Kaia Samuelle Roldan; at Bronze Medalists na sina Ms. Xhienelka Yshad Aquino, Ms. Xhienia Yveslaurent Aquino, Mr. Sean Wrickson Manuba, at Ms. Elisha Dominique Maglinte.
Kabilang rin sa bumisita si Ms. Ella Gonzalvo ng Brgy. Mayondon, na nagbahagi ng kanyang tagumpay bilang Bronze Medalist kasama ang Alas Pilipinas Girls U18 Team sa Princess Cup Southeast Asian Girls U18 Volleyball Championship na ginanap sa Thailand, kung saan kinilala rin siya bilang Best Outside Hitter. Ipinaabot ni Mayor Nocon ang kanyang pagbati at paghanga sa dedikasyon at husay ng mga atleta at muling tiniyak ang buong suporta ng Pamahalaan sa kanilang patuloy na pagtataguyod ng dangal at pangalan ng Bayan ng Los Baños.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
