MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of July 2026)
Published date: Jul 13, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of July 2026)

Pinangunahan ng Anti-Drug Abuse Office (ADAO) sa ikalawang Lunes ng Hulyo 2026 ang lingguhang pagtataas ng watawat sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Sa kanyang ulat, inilahad ni ADAO Head Shirley Andrade ang mga pangunahing programa at mahahalagang tagumpay ng tanggapan para sa pagsusulong ng isang ligtas at responsableng pamayanan.

Malugod namang ibinahagi ni OIC-LYDO Ms. Revilyn D. Perez ang mga natatanging karangalang nakamit ng mga atletang Los Bañense na kabilang sa Summit Sports Academy (SSA) sa ginanap na 10th MKKPI Karatedo Championship noong Hunyo 20, 2026 sa Robinsons Metro East. Kabilang sa mga pinarangalan sina GOLD MEDALISTS Ms. Elisha Dominique Maglinte at Mr. Xhienelram Aquino; SILVER MEDALISTS Ms. Rhyza Joy Flores at Ms. Kaia Samuelle Roldan; at BRONZE MEDALISTS Ms. Xhienelka Yshad Aquino, Ms. Xhienia Yveslaurent Aquino, Mr. Sean Wrickson Manuba, at Ms. Elisha Dominique Maglinte. Ang kanilang tagumpay ay naisakatuparan sa gabay nina Coaches Sensei Christian Dhan Deblois at Senpai Jhon Michael Paz.

Kinilala rin sa pagtitipon si Ms. Ella Gonzalvo, tubong Brgy. Mayondon, sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang Bronze Medalist ng Alas Pilipinas Girls U18 Team sa Princess Cup Southeast Asian Girls U18 Volleyball Championship na ginanap sa Thailand, kung saan kinilala rin siya bilang Best Outside Hitter.

Nagpahayag naman si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng taos-pusong pagbati at pasasalamat sa mga kabataang atletang nagbigay ng karangalan sa bayan at hinikayat ang mga kawani ng pamahalaan na ipagpatuloy ang tapat at mahusay na paglilingkod.

Nakiisa sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kasama sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, at Hon. Jay A. Rolusta. Dumalo rin ang mga Department at Unit Heads sa pangunguna nina Municipal Administrator Virgilio Tiongson at Chief of Staff Pong Guinto, mga kinatawan ng DILG Family mula PNP, BFP, BJMP, gayundin ang PCG, iba pang panauhin at mga kawani ng pamahalaan bilang patuloy na pagsusulong ng Serbisyong Diretso sa Tao para sa bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 195 Total Views

Related:


;