MENU
Philippine Standard Time:
Family MUAC Training enhanced community response against child malnutrition in Los Baños (July 7, 2026)
Published date: Jul 7, 2026
Family MUAC Training enhanced community response against child malnutrition in Los Baños (July 7, 2026)

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalusugan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, matagumpay na isinagawa ngayong Hulyo 7, 2026 ang Family MUAC (Mid-Upper Arm Circumference) Training Program for Community Health Workers sa Municipal Multipurpose Hall.

Pinangunahan ang pagsasanay ng Municipal Health Office (MHO) sa pamumuno ni Dr. Alvin Isidoro, katuwang ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa pangunguna ni Ms. Madeleine Alforja, bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng mga hakbang upang maiwasan at maagapan ang malnutrisyon sa mga bata sa ating komunidad.

Sa isinagawang pagsasanay, tinalakay ni Ms. Madeleine Alforja ang Module 1: Malnutrition and Family MUAC Approach, Module 2: Training Caregivers on the Family MUAC Approach, at Module 5: Family MUAC Planning, Monitoring and Evaluation. Samantala, ibinahagi naman ni Ms. Ronaleen Robles, Midwife, ang Module 3: Supportive Supervision to the Family MUAC Approach at Module 4: Understanding Behavior Change in the Context of Family MUAC.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaigting ang kaalaman at kakayahan ng mga Community Health Workers sa maagang pagtukoy at pagtugon sa malnutrisyon sa komunidad, gayundin ang pagbibigay ng tamang gabay sa mga magulang at tagapag-alaga upang matiyak ang mas maayos na kalusugan at nutrisyon ng mga bata. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang isang mas malusog, mas matatag, at mas handang komunidad para sa bawat pamilyang Los Bañense.

#AbanteKalusugan

#FamilyMUAC

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 257 Total Views

Related:


;