MENU
Philippine Standard Time:
Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman Program extended learning support to Special Needs Learners in Los Baños (July 7, 2026)
Published date: Jul 7, 2026
Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman Program extended learning support to Special Needs Learners in Los Baños (July 7, 2026)

Bilang pagpapatuloy ng programang "Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman: School Package 2026" sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, muling namahagi ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños ng mga school supplies ngayong Hulyo 7, 2026 para sa mga Special Needs Education (SNED) learners mula sa limang pampublikong elementarya sa bayan. Nabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral ng Los Baños Central Elementary School, Mayondon Elementary School, Lopez Elementary School, Malinta Elementary School, at Bambang Elementary School.

Pinangunahan ang pamamahagi ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni OIC-LYDO Ms. Revilyn Perez. Nakiisa rin sa programa si Dr. Soledad Villanueva, DepEd Public Schools District Supervisor, kasama ang mga school heads ng mga nabanggit na paaralan.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga programang nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa edukasyon upang matiyak na ang bawat batang Los Bañense, kabilang ang mga batang may espesyal na pangangailangan, ay may sapat na suporta sa kanilang pag-aaral at pag-abot ng kanilang mga pangarap.

#AbanteKabataan

#AbanteKaalaman

#SchoolPackage2026

#InclusiveEducation

#SNEDLearners

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 313 Total Views

Related:


;