Geothermal Systems Meeting enhanced MGLB–DOE Coordination (July 1, 2026)
Nagkaroon ng makabuluhang talakayan ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ang Department of Energy (DOE) sa isinagawang Los Baños Geothermal Systems Meeting sa unang araw ng Hulyo 2026 (Miyerkules) sa Pamahalaang tanggapan. Tinalakay sa pagpupulong ang mga usaping may kaugnayan sa geothermal systems at palakasin ang koordinasyon sa pagsusulong ng mga inisyatiba para sa napapanatiling pag-unlad ng bayan. Pinangunahan ang pulong ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kasama sina MPDC Twila T. Torres at Municipal Engineer Ricky R. Estopace.
Nakiisa rin sa pagpupulong ang mga kinatawan ng DOE na sina Mr. David Arvic Gonzales, Supervising Science Research Specialist; Ms. Vanessa Lazaro at Ms. Ivy A. Domondon, Senior Science Research Specialists; at Mr. Ian E. Espaldon, Science Research Specialist. Dumalo rin sina Ms. Jasmilyn B. Cunanan, Zoning Officer II ng MPDO, at Mr. Alfonzo Miguel P. Mojica, Administrative Aide ng Tourism Office. Ipinakita ng pulong ang patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng DOE para sa napapanatiling pagpapaunlad ng geothermal resources ng ating bayan.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
