MENU
Philippine Standard Time:
Multi-agency collaboration strengthened school security in Los Baños (July 1, 2026)
Published date: Jul 1, 2026
Multi-agency collaboration strengthened school security in Los Baños (July 1, 2026)

Sa patuloy na pagpapatibay ng matatag na ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, Philippine National Police (PNP), at Department of Education (DepEd), sa pangunguna nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Los Baños Chief of Police PLTCOL Alexy E. Sonido, at Public School District Supervisor (PSDS) Dr. Soledad Villanueva, isinagawa ang Coordination Meeting on School Security Plans and PNP Partnership for School Year 2026–2027 upang higit pang mapalakas ang sama-samang pagkilos para sa kaligtasan at seguridad ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan.

Nakibahagi dito sina Hon. Jay A. Rolusta, MLGOO Michiko R. Escalante, FSINSP Cid Vincent V. Manaig, JINSP Joel Pamfilo N. Del Rosario, Municipal Engineer Ricky Estopace, MPDC Twila T. Torres, Public Safety Officer Edilco Abad, mga school heads ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan, mga kinatawan mula sa PNP, BFP, BJMP, DILG Family, at iba pang kawani ng Pamahalaang Bayan.

Naging tampok sa pagpupulong ang mga usapin kaugnay ng school security, kabilang ang mga umiiral na hakbang ng Philippine National Police at mga karagdagang estratehiya upang higit pang mapalakas ang ugnayan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani ng paaralan.

#SchoolSecurityPlans

#PNPpartnership

#PNPLosBaños

#DepEdLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 253 Total Views

Related:


;