PNP and LGU Los Baños fostered stronger partnership through Public Safety Field Training Program (July 1, 2026)
Malugod na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa kanyang tanggapan sa unang araw ng Hulyo 2026 (Miyerkules) ang 22 On-the-Job Trainees (OJTs) na kalahok sa Public Safety Field Training Program (PSFTP), isang mandatoryong anim na buwang training para sa mga bagong talagang pulis bago sila maging ganap na miyembro ng PNP. Kasama sa pagbisita ang mga Field Training Officers (FTOs) na sina PCMS Vicente P. Lim at PCMS Gresson T. Olo-an sa pangunguna ni Los Baños Chief of Police PLTCOL Alexy E. Sonido bilang pagpapakita ng matibay na ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng Philippine National Police.
Sa ilalim ng gabay ng kanilang mga Field Training Officers, sumasailalim ang mga trainees sa aktuwal na pagsasanay sa patrolling, investigation, at traffic management, upang higit na mapaunlad ang kanilang kakayahan, propesyonalismo, at kahandaan sa epektibong paglilingkod at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng bayan.
#PublicSafetyFieldTrainingProgram
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
