Quarterly MDRRMC meeting reinforced disaster preparedness strategies in Los Baños (June 30, 2026)
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng bayan sa iba't ibang uri ng sakuna at kalamidad, nagsagawa ng Quarterly Meeting ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong ika-30 ng Hunyo 2026 sa Municipal Multipurpose Hall. Tinalakay sa pulong ang mahahalagang hakbang upang higit na mapahusay ang mga programa at polisiya ng lokal na pamahalaan sa disaster risk reduction and management.
Kabilang sa mga pangunahing agenda ang El Niño Preparedness Plan, re-programming ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Fund (MDRRMF) Current Fund, presentasyon at pag-apruba ng DRRM Plan, Drought Contingency Plan, at Dengue Enhanced Contingency Plan, gayundin ang Supplemental Investment Plan para sa MDRRMF Trust Fund para sa iba't ibang prayoridad na programa at proyekto. Ang mga naging talakayan at rekomendasyon ng konseho ay magsisilbing gabay sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang naglalayong pangalagaan ang buhay, kabuhayan, at kapakanan ng bawat mamamayan ng Los Baños.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
