TUPAD payout delivered immediate relief to displaced and underemployed workers (June 30, 2026)
Agarang tulong pinansyal ang natanggap ng 126 benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay ng Los Baños sa isinagawang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) Payout nitong ika-30 ng Hunyo 2026 (Martes) sa Municipal Multipurpose Hall. Bilang bahagi ng Emergency Employment Program ng Department of Labor and Employment (DOLE), sinuportahan ng programa na ang mga displaced at underemployed workers sa pamamagitan ng pansamantalang hanapbuhay at kaukulang benepisyo.
Naisakatuparan ang payout sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) na pinamumunuan ni Ms. Gliceria Trinidad, katuwang ang DOLE sa pangunguna ng TUPAD Coordinators na sina Ms. Lia Fajardo at Mr. Rick Espinosa, kasama ang Focal Person na si Ms. Lorena Gacosta. Ang pagtutulungang ito ay patuloy na naglapit ng mga programang nagbibigay ng agarang suporta sa mga manggagawang higit na nangangailangan.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
