Supporting solo parents through the Rice Distribution Program in Los Baños (June 30, 2026)
Matagumpay na naipamahagi ang tig-20 kilo ng bigas sa 370 rehistradong solo parent beneficiaries ng Bayan ng Los Baños, Laguna noong Hunyo 30, 2026 (Martes) sa Municipal Activity Area bilang bahagi ng 1st at 2nd cycle ng Rice Distribution Program. Ang programa ay isinakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinangungunahan ni Ms. Hanna Erika Laviña.
Patuloy na kinikilala ng pamahalaang lokal ang mahalagang papel at sakripisyo ng mga solo parent sa kanilang pamilya at komunidad sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay suporta at kalinga. Maraming salamat kay Hon. Governor Sol Aragones sa kanyang patuloy na pakikiisa at suporta, gayundin kay Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pagsusulong ng mga programang naglalayong makapagbigay ng mas inklusibo at malasakit na serbisyo para sa mga mamamayang Los Bañense.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
