MENU
Philippine Standard Time:
Strengthening agriculture in Los Baños through 4WD tractor turnover and farm input distribution (June 30, 2026)
Published date: Jun 30, 2026
Strengthening agriculture in Los Baños through 4WD tractor turnover and farm input distribution (June 30, 2026)

Patuloy na pinalakas ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, ang sektor ng agrikultura at pangingisda sa pamamagitan ng Turnover ng 4-Wheel Drive (4WD) Tractor at Mass Distribution ng Agricultural Inputs at Equipment sa Farmers at Fisherfolks ng Los Baños. Ang programa ay pinangunahan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Ms. Cherryl T. Laviña-Gonzales nitong Hunyo 30, 2026 (Martes) sa Barangay Bayog Covered Court. Kasabay ng turnover ng 4WD Tractor, namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng mga agricultural inputs at kagamitan tulad ng abono, seedlings, at iba pang makatutulong sa pagpapataas ng produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda. Nagbigay ng Welcome Message si Hon. Eduardo E. Delminguez, Punong Barangay ng Bayog; Opening Message si Municipal Agriculturist Ms. Cherryl T. Laviña-Gonzales; Inspirational Message si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon; at Closing Message si Hon. Marlo "PJ" A. Alipon, Municipal Vice Mayor. Nagsilbing Master of Ceremony si Engr. Fidel Q. Ariola II ng OMA.

Nakibahagi rin sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Hon. Aldous Amiel Perez, Hon. Benedicto S. Alborida, at Hon. Jay A. Rolusta, maging ang mga kinatawan ng Samahan ng Magsasaka sa Maahas (SAMA-SAMA), Samahan ng Magpapalay ng Bayog, Rural Improvement Club (RIC), LB Veggie Move, LB Association of Safe Fruits and Vegetable Growers (LB Organic), Samahan ng Industriya ng Paggugulayan (SIPAG) sa Los Baños, LB Tropical Fruit and Vegetable Growers, Samahan ng mga Magsasaka sa Bundok Makiling sa Lalakay, Association of Bayog Ornamental Growers, 14 Barangay Community Gardens, at Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) ng Tadlac, Bambang, Malinta, Mayondon, at Bayog. Dumalo rin ang mga Punong Barangay, mga Agricultural Committee Chairpersons ng iba't ibang barangay, at iba pang ang mga kawani ng pamahalaan bilang suporta sa programa.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mas produktibo at matatag na sektor ng agrikultura at pangingisda sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay ng konkretong suporta sa mga magsasaka at mangingisda.

#TurnoverOf4WheelDriveTractor

#MassDistribution

#AgriculturalInputsAndEquipment

#FarmersAndFisherfolksOfLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 185 Total Views

Related:


;