Governor Sol Aragones and Mayor Neil Andrew Nocon led school safety inspection at Lalakay Elementary School (June 29, 2026)
Bumisita nitong Hunyo 29, 2026 (Lunes) sina Governor Sol Aragones at Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Lalakay Elementary School bilang bahagi ng pagpapaigting ng seguridad at kaligtasan ng bawat mag-aaral sa mga paaralan. Isinagawa ang inspeksyon at assessment kaugnay ng mga umiiral na hakbang sa seguridad kasunod ng mga naganap na insidente sa ilang bahagi ng bansa.
Nakiisa rin sa isinagawang inspeksyon si PCOL Sandro Jay D.C. Tafalla, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office; Dr. Soledad Villanueva, Public Schools District Supervisor; mga kawani ng Pamahalaang Barangay ng Lalakay; at ilan sa mga school heads ng DepEd Los Baños, kabilang sina Ms. Brenda Ramirez at Ms. Marian Fermin at mga guro, magulang at kawani ng paaralan.
Patuloy ang pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan, lokal na pamahalaan, kapulisan, at sektor ng edukasyon upang matiyak na nananatiling ligtas, maayos, at angkop sa pagkatuto ang kapaligiran sa mga paaralan para sa kapakanan ng bawat mag-aaral.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
