MENU
Philippine Standard Time:
LB Gayla Night 2026 showcased talent, glamour, and LGBTQIA+ pride in Los Baños (June 27, 2026)
Published date: Jun 27, 2026
LB Gayla Night 2026 showcased talent, glamour, and LGBTQIA+ pride in Los Baños (June 27, 2026)

Isang makulay na pagdiriwang ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at pagtanggap ang ginanap na LB Gayla Night 2026 noong Hunyo 27, 2026 (Sabado) sa Lolo’s Place, bilang bahagi ng paggunita sa Pride Month sa Los Baños. Tampok sa gabing puno ng glam, talento, at pagmamahal ang natatanging drag performance ni Queen Tyra, na nagbigay-saya at inspirasyon sa LGBTQIA+ community.

Nakibahagi sa espesyal na okasyon sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega. Nagsilbing hurado sina Mister Los Baños 2025 Mr. Jan Paolo Ratilla, SK Federation President Samantha Banasihan Ortega, at Dr. Cris Quintela de Leon, na kumilala sa talento, kumpiyansa, at husay ng mga kalahok. Naging matagumpay ang programa sa pangangasiwa ng Tanggapan ni Queensehala Hon. Leren Mae Bautista katuwang ang Gender and Development (GAD) Office, sa pakikipagtulungan ng LB FIRE LGBTQIA+ Association at LGBT Pilipinas.

Muling naipakita sa pagdiriwang na ito ang adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños para sa isang inklusibo ng bayan kung saan ang bawat isa ay malayang ipinagdiriwang ang kanilang pagkakakilanlan.

#LBGaylaNight2026

#LosBañosPrideMonth

#WearYourPride

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 191 Total Views

Related:


;