MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (last Monday of June 2026)
Published date: Jun 29, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (last Monday of June 2026)

Pinangasiwaan ng Barangay Lalakay ang lingguhang pagtataas ng watawat sa huling Lunes ng Hunyo 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Ibinahagi ni Barangay Secretary Eileen Septimo bilang kinatawan ni Punong Barangay at ABC President Gaudencio P. Macatangay ang mga tagumpay at kasalukuyang programa ng kanilang tanggapan. Binati naman ni Mayor Nocon ang bawat opisyal at kawani at hinikayat ang lahat sa panibagong linggo ng masigla at dedikadong paglilingkod.

Dumalo at nagbigay suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kabilang sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, at Hon. Jay A. Rolusta. Nakiisa rin ang mga Department at Unit Heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Virgilio Tiongson at Chief of Staff Pong Guinto, ang DILG Family (PNP, BFP, BJMP), iba pang mga kawani ng pamahalaan, bilang sama-samang pagpapakita ng pagkakaisa at pagsusulong ng serbisyong diretso sa tao para sa bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 208 Total Views

Related:


;