PEACE Summit 2026 inspired young leaders to build safer and healthier communities (June 27, 2026)
Nakiisa sa isinagawang PEACE SUMMIT 2026 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) na pinangungunahan ni Ms. Revilyn Perez at Sangguniang Kabataan Federation sa pinangunguna ni SK Federation President Hon. Samantha Nicole A. Banasihan-Ortega nitong ika-27 ng Hunyo 2026. Sa temang "Empowered Youth, Safer Communities, Promoting Drug-Free, Smoke-Free and Peaceful Futures, patuloy na isinulong ang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad para sa kabataan.
Dinaluhan ito nila Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Hon. Aldous Amiel B. Perez, at Hon. Myla E. Alinsunurin, kung saan nagbigay ng pambungad na mensahe si DILG-LGOO VI Michiko Escalante, at mensahe ni Mayor Neil Andrew N. Nocon. Isinagawa rin ang pagkilala sa mga kalahok bago ang mga mahahalagang talakayan hinggil sa CPP-NDF-NPA Recruitment na pinangunahan ni 1LT Noemi M. Mendez ng Armed Forces of the Philippines, Kabataan Kontra Droga ni PCpl Fatima Venus V. Juares ng PNP Los Baños Municipal Police Station, at Smoke and Vape-Free Los Baños ni Marilyn B. Rañola, LPT, Health Education and Promotion Officer. Nagtapos ang programa sa closing remarks at paggawad ng sertipiko na pinangunahan ni Hon. Samantha Nicole A. Banasihan-Ortega, RN, SK Federation President.
Nakiisa sa programa ang mga kinatawan mula sa iba't ibang Sangguniang Kabataan, mga Barangay Youth Volunteers, SK Councilors, mga opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) mula sa iba't ibang paaralan, kabilang ang mga pangulo, bise presidente, kalihim, auditor, treasurer, protocol officers, public information officers, student welfare officers, at iba pang youth leaders. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa mga barangay ng Anos, Batong Malake, Lalakay, Malinta, Mayondon, Tuntungin-Putho, Timugan, Baybayin, maging ang Camp Sakay, at iba pa, bilang patunay ng sama-samang pagkilos ng DILG at ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa paghubog ng responsableng kabataan at pagpapatatag ng kapayapaan, disiplina, at pagmamahal sa bayan.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
