Bringing compassionate governance to every community in Los Baños through house-to-house visit (June 27, 2026)
Personal na bumisita si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kasama sina Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Hon. Aldous Amiel B. Perez, at Hon. Myla E. Alinsunurin, nitong ika-27 ng Hunyo 2026 (Sabado) sa Riverside Sta Fe, Brgy. Batong Malake at Bagong Nayon, Brgy. Anos bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang sektor ng bayan.
Sa buong suporta ng mga community leaders mga opisyal ng barangay, at iba pang kawani ng Pamahalaan ay nakipagdayalogo at nakinig ang mga opisyal sa kalagayan at pangangailangan ng mga mamamayan, gayundin ay nagkaloob ng tulong na bigas bilang karagdagang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Sa patuloy na direktang paglapit at pakikinig sa komunidad, isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang serbisyong diretso sa tao para sa kapakanan ng bawat Los Bañense.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
