Los Baños supported DENR's "Luntiang Bukas" Program through tree planting and mangrove rehabilitation (June 25, 2026)
Sa patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalikasan, nakibahagi ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa pagdiriwang ng "Philippine Arbor Day" at paglulunsad ng programang “Luntiang Bukas” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Hunyo 25, 2026 (Huwebes) sa Dampalit, Barangay Bambang, Los Baños. Nakiisa ang mga opisyal, mga pinuno ng mga tanggapan at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa isinagawang sabayang tree planting, mangrove rehabilitation, urban greening, at iba pang gawaing pangkalikasan.
Sa pakikipagtulungan ng DENR-PENRO Laguna sa pamumuno ni PENR Officer Forester Venerando U. Garcia, muling pinagtibay ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan, biodiversity conservation, climate change adaptation, at sustainable development tungo sa mas luntian, malinis, at matatag na bayan.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
