MENU
Philippine Standard Time:
LGU Los Baños and DOST Laguna discussed future-ready learning initiatives
Published date: Jun 23, 2026
LGU Los Baños and DOST Laguna discussed future-ready learning initiatives

Nagsagawa ng pagpupulong ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kasama ang Department of Science and Technology (DOST) Laguna nitong Hunyo 23, 2026 (Martes) upang talakayin ang mga posibleng programa at inisyatibong maaaring ipatupad sa bayan, kabilang ang 21st Century Learning Environment Model (21st CLEM) ng DOST-Science Education Institute na hangaring gawing makabago ang mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng paglikha ng mga teknolohiya at makabagong kagamitan para sa mas kolaboratibo, interaktibo, at makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral. Tinalakay rin sa pagpupulong ang iba pang mga inisyatiba katuald ng Rizal Classrooms of the Future at iba pang mga programang maaaring maging bahagi ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at DOST.

Dumalo sa nasabing pagpupulong sina Ms. Agnes G. Morales at Ms. Jemy Ann N. Lawas ng DOST Laguna, Provincial Director Jay-Ar T. Beltran, CESE ng DILG Laguna, DILG Laguna Cluster Head Ma. Lorilyn V. Manrique, MLGOO ng Los Baños na si Michiko R. Escalante, GAD Officer Karen Lagat-Mercado, at Ms. Lylani Joyce H. Agtotobo ng GAD. Patunay ang pagpupulong na ito sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na magtaguyod ng mga programang nakatuon sa inobasyon, dekalidad na edukasyon, at napapanatiling kaunlaran para sa ating bayan.

#21stCLEM

#DOSTLaguna

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 211 Total Views

Related:


;