MENU
Philippine Standard Time:
Community Health Workers underwent Family MUAC Training in Los Baños (June 23, 2026)
Published date: Jun 23, 2026
Community Health Workers underwent Family MUAC Training in Los Baños (June 23, 2026)

Sa patuloy na pagsisikap na mapalakas ang mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa bayan, nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, ng Family MUAC Training Program for Community Health Workers sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) na pinamumunuan ni Ms. Madeleine M. Alforja. Isinagawa ang pagsasanay nitong Hunyo 23, 2026 (Martes) sa Municipal Multipurpose Hall upang higit na mapahusay ang kakayahan ng mga Community Health Workers sa maagang pagtukoy at wastong pagtugon sa mga kaso ng malnutrisyon sa antas ng pamilya at komunidad. Nagbigay ng mensahe sina Municipal Health Officer Dr. Alvin Isidoro, at Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, na kapwa inilahad ang mahalagang papel ng mga health workers sa pagpapanatili ng kalusugan at kapakanan ng bawat pamilyang Los Bañense.

Tinalakay sa programa ang Family MUAC Approach, supportive supervision, behavior change, monitoring and evaluation, at mga estratehiya para sa epektibong implementasyon ng programa sa komunidad. Pinangunahan ang mga sesyon nina Ms. Madeleine M. Alforja (MNAO), Ms. Rona Felix (Midwife), Ms. Vanessa Tamban (BNS), Ms. Bheth Gunoy (BNS), Ms. Teresa Lapitan (BNS), Ms. Windalyn Greso (BNS), Ms. Marie Anne Managat (BNS), Ms. Marjorie Cabugao (BHW), Ms. Amy Maloles (BHW), Ms. Lorie Padillo (BHW), at Ms. Lucena Patricio (BHW). Nagtapos ang pagsasanay sa paggawad ng sertipiko sa pangunguna nina Dr. Alvin Isidoro at Ms. Esperanza Macaraig (Midwife), bilang pagkilala sa patuloy na dedikasyon ng mga Community Health Workers sa pagtataguyod ng mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na bayan ng Los Baños.

#FamilyMUACTraining

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 241 Total Views

Related:


;