Municipal Budget Forum 2026 Sets Direction for Los Baños’ FY 2027 Budget (June 24, 2026)
Sa patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala at fiscal responsibility, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang Municipal Budget Forum 2026 nitong Hunyo 24, 2026 (Miyerkules) sa Los Baños Central Elementary School (LBCES) Conference Hall. Pinangasiwaan ito ng Municipal Budget Office sa pangunguna ni Acting Municipal Budget Officer Ms. Joyce Ann Mae L. Del Valle bilang bahagi ng paghahanda ng Fiscal Year 2027 Annual Budget, alinsunod sa Section 318 ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991 kaugnay ng paghahanda ng Executive Annual Budget.
Nagtipon sa forum ang mga Department at Unit Heads kasama ang iba pang mga kawani upang talakayin ang mahahalagang alituntunin at proseso sa pagbuo ng taunang badyet ng lokal na pamahalaan. Kabilang sa mga tinalakay ang Local Budget Memorandum No. 94 tungkol sa Indicative FY 2027 National Tax Allotment (NTA) Shares ng mga Local Government Units (LGUs) at mga gabay sa paghahanda ng FY 2027 Annual Budgets of LGUs, gayundin ang Budget Call at mga Local Budget Preparation Forms. Naging mahalagang pagkakataon din ito upang higit na mapalakas ang koordinasyon, pagpaplano, at pananagutan ng bawat tanggapan sa paglalaan ng pondo para sa mga programa, proyekto, at serbisyong maghahatid ng mas mahusay at serbisyong diretso sa tao para sa bawat Los Bañense.
#MunicipalBudgetForum
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao #AbanteLosBaños
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
