MENU
Philippine Standard Time:
National Institute of Physics (NIP), University of the Philippines Diliman (UPD) Participants experienced Lakbay Los Baños Heritage Tour (June 17, 2026)
Published date: Jun 17, 2026
National Institute of Physics (NIP), University of the Philippines Diliman (UPD) Participants experienced Lakbay Los Baños Heritage Tour (June 17, 2026)

Masayang tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, ang mga delegado ng National Institute of Physics (NIP), University of the Philippines Diliman (UPD) sa isinagawang Lakbay Los Baños Heritage Walk Tour noong Hunyo 17, 2026 (Miyerkules). Bahagi ito ng pagbisita ng mga kalahok ng Samahang Pisika ng Pilipinas Physics Conference sa UPLB upang mas makilala ang mayamang kasaysayan at kultura ng bayan. Kabilang sa mga lumahok sina Dr. Percival F. Almoro at Dr. Myles Allen H. Zosa, Ph.D., kasama ang mga university professors, researchers, graduate students, at distinguished international guest scientists.

Sa paglalakbay na ito sa kasaysayan ng Los Baños, higit na nakilala ng mga delegado ang mga kuwentong humubog sa bayan at ang mga ambag nito sa larangan ng edukasyon, agham, at kultura. Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang mga inisyatibong nagpapalakas sa lokal na turismo at pagpapahalaga sa kasaysayan ng ating bayan.

#LakbayLosBañosHeritageWalk

#NationalInstituteOfPhysics

#UniversityOfThePhilippinesDiliman

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

via CJSA/PIO-MGLB

 

 283 Total Views

Related:


;