MENU
Philippine Standard Time:
Thousands of students received school supplies in the last day of the ‘Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman’ Program (June 16, 2026)
Published date: Jun 16, 2026
Thousands of students received school supplies in the last day of the ‘Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman’ Program (June 16, 2026)

Matagumpay na naisagawa ngayong Hunyo 16, 2026 ang huling araw ng programang “Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman: School Supplies Distribution 2026” ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa Brgy. Bagong Silang.

Pinangunahan nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon ang pamamahagi ng mga school supplies para sa mga mag-aaral, kasama sina Dr. Editha Atendido, Schools Division Superintendent-DepEd Lagunal; Public School District Supervisor Dr. Soledad Villanueva at Punong Barangay Rogelio Delos Reyes. Layunin ng programa na matiyak na may sapat na kagamitang pampaaralan ang bawat kabataang Los Bañense sa pagsisimula ng bagong taong panuruan.

Naging katuwang sa aktibidad ang mga kinatawan ng DepEd Los Baños, mga school heads, guro, teacher aides, at mga opisyal ng barangay, sa pangunguna ng Local Youth Development Office (LYDO). Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na suportahan ang edukasyon at mabigyan ng maayos na simula sa pag-aaral ang bawat kabataan tungo sa mas maliwanag at mas umaabanteng kinabukasan.

#SchoolSuppliesDistribution

#AbanteKabataanAbanteSaKaalaman

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 269 Total Views

Related:


;