Philippine Red Cross leaders explored Historic Landmark in Los Baños (June 15, 2026)
Bilang bahagi ng pagbisita ng delegasyon ng Philippine Red Cross nitong Hunyo 15, 2026 sa pangunguna nina Atty. Richard J. Gordon, Chairman at CEO; Dr. Gwendolyn Pang, Secretary General; at Dr. Christie Monina Nalupta, Officer-in-charge sa Bayan ng Los Baños, nagtungo sila sa General Paciano Rizal Shrine sa Brgy. Baybayin, Los Baños, Laguna upang masilayan ang isa sa mga makasaysayang pook na may malaking ambag sa pagpapanatili ng alaala at pamana ng kasaysayan ng bansa. Dito higit na naipakilala ang buhay at kabayanihan ni Heneral Paciano Rizal, na kinikilala bilang isa sa mahahalagang pigura sa kasaysayan ng pakikibaka para sa kalayaan.
Ang pagbisita ay nagsilbing pagkakataon upang mapalalim ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura, at upang higit na mapalakas ang kamalayan sa kahalagahan ng mga pamanang pangkasaysayan na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Patuloy na ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga makasaysayang pook na nagsisilbing buhay na saksi ng ating kasaysayan at identidad bilang isang bayan.
Related:
-
Most Viewed Article
