Los Baños showcased Municipal Operations Center to Philippine Red Cross leaders (June 15, 2026)
Isang karangalan para sa Bayan ng Los Baños na maipakita ang Municipal Operations Center (OpCen) sa pagbisita ng Philippine Red Cross delegation nitong Hunyo 15, 2026 (Monday) sa pangunguna nina Former Senator/ Chairman Richard J. Gordon, Chairman at CEO; Dr. Gwendolyn Pang, Secretary General; at Dr. Christie Monina Nalupta, Officer-in-charge.
Kasama ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pagtanggap sa delegasyon sina Chief of Staff Mr. Pong Guinto, Hon. Councilor Jay Rolusta, PSO Mr. Edilco Abad, Ms. Karen Joy Coronado ng MUDHO, at PNP Plt.Col. Alexy Sonido. Sa paglilibot sa pasilidad, naibahagi ni Mayor Nocon na ang dedikasyon at pamumuno ni Atty. Gordon sa larangan ng disaster preparedness at humanitarian service ay kabilang sa mga naging inspirasyon sa pagtatatag ng OpCen, isang sentrong nag-uugnay sa mga tanggapan at ahensyang katuwang ng pamahalaan upang matiyak ang maagap at epektibong pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Patuloy na pinatitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga programang naglalayong gawing mas ligtas, mas handa, at mas matatag ang komunidad para sa bawat Los Bañense.
Related:
-
Most Viewed Article
