Philippine Red Cross' Inauguration of Blood Collection and Storage Facility in Siniloan supported by Mayor Neil Andrew N. Nocon (June 15, 2026)
Bilang pagpapakita ng patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan at makataong serbisyo, nakibahagi si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa Inauguration at Blessing ng Philippine Red Cross (PRC) Laguna Chapter – Siniloan Branch at Blood Collecting Unit and Blood Station (BCU/BS) nitong Hunyo 15, 2026 (Lunes) sa Siniloan Infirmary Hospital Compound. Ang bagong pasilidad ay magsisilbing mahalagang sentro para sa mas mabilis at mas maayos na pagkuha, pagproseso, at distribusyon ng ligtas na suplay ng dugo para sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Laguna, partikular sa mga bayan ng Ika-apat na Distrito. Naging bahagi rin ng seremonya ang ribbon-cutting, unveiling of the dedication marker, at ang pagbabasbas ng pasilidad na pinangunahan ni Rev. Fr. Luis A. Tolentino, Parish Priest ng Ss. Peter and Paul Parish Church.
Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng invocation na pinangunahan ni Dir. Cynthia S. Tamares, Member ng Board of Directors ng PRC Laguna Chapter. Sinundan ito ng pagbasa ng Seven Principles of the Red Cross Movement ni Mr. Reymart S. Malang, Siniloan Branch Head, habang inihatid naman ni EnP. Frank Gray M. Sorromero, Chapter Administrator ng PRC Laguna Chapter, ang welcome remarks. Nagbigay rin ng mensahe ng pasasalamat si Dir. Saturnino J. Lajarca, Vice Chairman ng Board of Directors ng PRC Laguna Chapter. Kabilang sa mga nagbahagi ng mensahe bilang mga partner at stakeholder sina Hon. Patrick Ellis Z. Go, Mayor ng Municipality of Siniloan; Hon. Maria Jamina Katherine Agarao-Oloroso, Board Member ng 4th District of Laguna; Hon. Benjamin C. Agarao Jr., Representative ng 4th District of Laguna; at Hon. Marisol “Sol” C. Aragones, Governor ng Province of Laguna.
Naghatid naman ng mensahe mula sa Philippine Red Cross si Dr. Gwendolyn T. Pang, Secretary General ng Philippine Red Cross, habang ibinahagi ni Hon. Richard J. Gordon, Chairman and CEO ng Philippine Red Cross, ang kanyang inspirational message. Aniya “Hindi tayo narito upang maging mga tagamasid lamang; narito tayo upang kumilos at maglingkod sa oras ng sakuna. Araw-araw tayong makikipagtulungan at makikipag-ugnayan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan at sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.”
Dinaluhan din ang okasyon nina Dir. Nicanor L. Ramos, Member ng Board of Directors at Chairman ng Siniloan Branch Council, na nagbigay ng closing remarks, kasama ang iba pang mga katuwang at tagapagtaguyod ng proyekto. Nagkaroon din ng awarding of plaques of recognition bilang pagkilala sa mahahalagang ambag nina Hon. Maria Jamina Katherine Agarao-Oloroso, Municipal Government of Siniloan, Rotary Club District 3820, Aumovio, at VARACE Air Corporation sa pagtatatag ng pasilidad. Ang pakikilahok ni Mayor Nocon ay sumasalamin sa patuloy na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa Philippine Red Cross at sa iba pang lokal na pamahalaan upang higit pang mapalakas ang mga programang pangkalusugan, kahandaan sa sakuna, at paghahatid ng serbisyong nagliligtas-buhay para sa mga mamamayan ng Laguna.
#PRCLagunaChapterSiniloanBranch
#BloodCollectingUnitAndBloodStation
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
