MENU
Philippine Standard Time:
UP Cherubim & Seraphim Children’s Choir enchanted audience at Los Baños Sunset at the Park (June 14, 2026)
Published date: Jun 14, 2026
UP Cherubim & Seraphim Children’s Choir enchanted audience at Los Baños Sunset at the Park (June 14, 2026)

Naghatid ng isang gabi ng kahanga-hangang musika at inspirasyon ang UP Cherubim & Seraphim Children’s Choir sa Los Baños Sunset at the Park na ginanap nitong Hunyo 14, 2026 (Linggo) sa General Paciano Rizal Park. Sa kanilang natatanging mga awitin at kahusayan sa choral performance, nabighani at naantig ang mga manonood, na nagbigay ng isang makabuluhan at di-malilimutang karanasang pangkultura para sa lahat.

Pinangunahan ang pagtatanghal ng Director Emeritus Dr. Elena Mirano, sa ilalim ng direksyon ni Conductor Allyssa Liyana Dioquino, katuwang si Assistant Conductor Noel Gajete, kasama ang Pianist Samuel Silvestre at Student Teacher Caleb Noroña. Nagbigay rin ng espesyal na pagtatanghal si Mr. Ding Navasero sa pamamagitan ng kanyang madamdaming pagbigkas ng salin sa Filipino ng tulang “If” ni Rudyard Kipling, na lalo pang nagdagdag ng lalim at inspirasyon sa programa.

Ang pagtatanghal ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, ng mga programang nagpapalaganap ng sining, kultura, at turismo sa bayan. Sa pamamagitan ng musika at panitikan, muling nabigyang-buhay ang pampublikong espasyo bilang lugar ng pagkakaisa, pagpapahalaga sa talento, at makabuluhang karanasang pangkultura para sa bayan.

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#UPCherubimAndSeraphimChildrensChoir

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

via CJSA/PIO-MGLB

 

 188 Total Views

Related:


;