MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños hosted successful 2026 Laguna Inter-Town Basketball Tournament (June 14, 2026)
Published date: Jun 14, 2026
Los Baños hosted successful 2026 Laguna Inter-Town Basketball Tournament (June 14, 2026)

Naghatid ng kapanapanabik na mga laban at makabuluhang samahan ang 2026 Laguna Inter-Town Basketball Tournament na ginanap nitong Hunyo 14, 2026 (Linggo) sa CPP Memorial Stadium at Evacuation Center, Brgy. Baybayin, Los Baños, Laguna. Dinaluhan ito ng mga manlalaro, coaches, at mga tagasuporta mula sa iba’t ibang bayan ng Laguna sa layuning palakasin ang pagkakaisa, sportsmanship, at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga kabataang atleta sa lalawigan.

Ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, habang pinangunahan naman sa Bayan ng Los Baños ng Local Youth Development Office (LYDO) bilang host municipality ng naturang aktibidad.

Sa naging laban ng Pangil at Los Baños, namayagpag ang kabataang Los Bañense sa 15 Years Old Under Division matapos maitala ang dominanteng panalo na 115–42. Samantala, nagpakita rin ng husay at determinasyon ang koponan ng Los Baños sa 25 Years Old Under Division sa kanilang pagkapanalo sa iskor na 81–69. Ipinamalas ng mga manlalaro ang kanilang disiplina, dedikasyon, at galing sa larangan ng basketball na nagbigay ng karangalan sa bayan ng Los Baños. Patunay ito ng patuloy na pag-unlad ng Los Baños bilang tahanan ng mga kabataang may talento at potensyal sa larangan ng palakasan.

Lubos na pasasalamat ang ipinaaabot ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa lahat ng mga tanggapan at kawani na nagtulungan upang matagumpay na maisakatuparan ang pagiging host ng bayan para sa nasabing paligsahan, kabilang ang Local Youth Development Office (LYDO), Public Management Office (PMO), Operations Center (OPCEN), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Public Order and Safety Office (POSO), General Services Office (GSO), Information and Communication Systems Office (ICSO), Public Information Office (PIO), at Municipal Engineering Office.

Taos-puso ring pasasalamat sa mga coaches, trainers, team managers, at mga magulang na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa ating mga kabataang atleta. Ang inyong dedikasyon at malasakit ay mahalagang bahagi sa paghubog ng kanilang talento, disiplina, at tagumpay sa larangan ng palakasan.

Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na maipamalas ang kanilang husay at mapalawak ang kanilang potensyal para sa isang mas aktibo, masigla, at maunlad na Los Baños.

#2026LagunaInterTown

#BasketballTournament

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

 

via CJSA/PIO-MGLB

 263 Total Views

Related:


;