MENU
Philippine Standard Time:
DOST and MGLB launched "Habi at Himig sa Los Baños" (June 15, 2026)
Published date: Jun 15, 2026
DOST and MGLB launched "Habi at Himig sa Los Baños" (June 15, 2026)

Pormal na inilunsad nitong ika-15 ng Hunyo 2026 sa Municipal Activity Area ang “Habi at Himig sa Los Baños”, isang makabuluhang kolaborasyon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng DOST–Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) at DOST–Philippine Textile Research Institute (PTRI). Hangad ng proyekto na maitanghal ang mga makabagong lokal na teknolohiya, kabilang ang Philippine Tropical Fabrics (PTFs) at Bamboo Musical Instruments (BMIs), habang isinusulong ang lokal na kultura, pagkamalikhain, at napapanatiling kabuhayan.

Katuwang sa pagsasakatuparan ng proyekto ang mga opisina nina Konsehala Muriel Laisa “Mec” B. Dizon, Queensehala Leren Mae B. Bautista, Konsehala Myla Alinsunurin, Konsehala Samantha Nicole B. Ortega, at Mayor Neil Andrew N. Nocon. Naging mahalaga rin ang ambag ng Gender and Development Office (GAD) sa pangunguna ni Ms. Karen Lagat-Mercado at ng Municipal Tourism Office sa pangunguna ni Ms. Edmarie Calungsod. Tampok sa exhibit ang mga likha ng mga lokal na manghahabi, artisan, at mananahi mula sa Batong Malake Public Market, na nagpapakita ng husay at mayamang likhang-kamay ng mga Los Bañense.

Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang ceremonial fabric unveiling kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, at Hon. Jay A. Rolusta. Dumalo rin ang mga Department at Unit Heads ng Pamahalaang Bayan at mga kinatawan ng DILG Family.

Bukas sa publiko ang exhibit sa Municipal Activity Area mula Hunyo 15 hanggang 18, 2026 (Lunes hanggang Huwebes), bilang pagdiriwang ng mayamang pamana, sining, at inobasyon ng bayan. Bilang pagtatapos ng programa, gaganapin ang isang Fashion Show sa Hunyo 19, 2026 (Biyernes), ganap na 5:30 ng hapon, sa Gen. Paciano Rizal Park bilang bahagi ng lingguhang Sunset at the Park, tampok ang mga obrang likha gamit ang mga lokal at makabagong materyales na sumasalamin sa galing at identidad ng bayan ng Los Baños.

#HabiAtHimigSaLosBaños

#DOSTPTRI

#DOSTFPRDI

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

 

via CJSA/PIO-MGLB

 189 Total Views

Related:


;