Heroes in Action: Los Bañenses unite for “Dugong Bayani” Blood Donation Drive (June 12, 2026)
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong ika-12 ng Hunyo 2026 (Biyernes), muling ipinakita ng mga Los Bañense ang diwa ng bayanihan at malasakit sa pamamagitan ng pakikilahok sa “Dugong Bayani: Blood Donation Activity” na ginanap sa Municipal Activity Area. Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Health Office na pinangungunahan ni Municipal Health Officer Dr. Alvin A. Isidoro, ang makabuluhang gawaing ito na naglalayong makatulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross at Alpha Phi Omega Scouts Royale Brotherhood, kung saan maraming boluntaryong donor ang nagbahagi ng kanilang dugo bilang ambag sa pagliligtas ng buhay. Nagkaroon din ng pagbibigay-kaalaman hinggil sa kahalagahan ng blood donation at wastong paghahanda bago maging donor, kasabay ng pagsusulong ng mensaheng “Donate Blood, Save Lives.” Sa bawat patak ng dugong naibahagi, muling pinatunayan ng mga Los Bañense na ang tunay na diwa ng kalayaan ay hindi lamang ipinagdiriwang kundi isinasabuhay sa pamamagitan ng malasakit, bayanihan, at paglilingkod sa kapwa.
#AlphaPhiOmegaScoutsRoyaleBrotherhood
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
