MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park “Tunog ng Kalayaan” brought Independence Day celebration to life in Los Baños (June 12, 2026)
Published date: Jun 12, 2026
Los Baños Sunset at the Park “Tunog ng Kalayaan” brought Independence Day celebration to life in Los Baños (June 12, 2026)

Bilang bahagi ng ika-128 taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, tampok sa Los Baños Sunset at the Park nitong Hunyo 12, 2026 (Biyernes) sa Gen. Paciano Rizal Park ang programang “Tunog ng Kalayaan,” na naghandog ng mga natatanging pagtatanghal ni Pareng Don at muling nasaksihan din ang Pagtatanghal ng Artist, Inc. na may kinalaman sa kasarinlan ng Pilipinas.

Kasabay ng ginintuang paglubog ng araw, naging makahulugang pagdiriwang ang programa ng kalayaan at pagkakaisa ng mga mamamayan. Kaugnay ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, na palakasin ang diwa ng bayanihan, isulong ang pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan, at higit pang pagtibayin ang makabayang pagkakakilanlan ng bawat Los Bañense. 🇵🇭

#SunsetAtThePark

#TunogNgKalayaan

#128thPhilippineIndependence

#Kalayaan2026

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

via CJSA/PIO-MGLB

 

 249 Total Views

Related:


;