MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños commemorated the 128th Anniversary of Philippine Independence (June 12, 2026)
Published date: Jun 12, 2026
Los Baños commemorated the 128th Anniversary of Philippine Independence (June 12, 2026)

IKA-128 TAONG PAGDIRIWANG NG ARAW KALAYAAN SA BAYAN NG LOS BAÑOS 🇵🇭

Nagkaisa ang buong Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Hunyo 12, 2026 (Biyernes) sa Old Municipal Hall para sa ika-128 taong pagrdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Pinangunahan ang seremonya nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, at Hon. Jay A. Rolusta.

Buong puso ring sumuporta ang iba't ibang ahensa at sektor kabilang ang DILG Los Baños sa pangunguna ni MLGOO Michiko R. Escalante, kasama ang Philippine National Police (PNP) Los Baños sa pangunguna ni PLtCol. Alexy E. Sonido, Bureau of Fire Protection (BFP) Los Baños sa pangunguna ni FSINSP Cid Vincent V. Manaig, at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Los Baños sa pangunguna ni JINSP Joel Pamfilo N. Del Rosario. Naroon rin ang DepEd Los Baños sa pangunguna ni SDS Soledad Villanueva, ang Philippine Coast Guard, Task Force Ugnay Camp Macario Sakay, Boy Scouts of the Philippines (BSP), Girl Scouts of the Philippines (GSP), Knights of Rizal, mga Department at Unit Heads, at mga kawani ng pamahalaang bayan.

Naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng Entrance of Colors ng Philippine National Police Los Baños; pagtugtog ng Pambansang Awit ng CPP Brass Band, Panunumpa sa watawat na pinangunahan ni PVT Ace R. Diago, (INF) PA ng Philippine Army, at Panunumpa ng lingkod bayan ni FO1 John Mark R. Faustino ng BFP. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng kalayaan, pagkakaisa, at patuloy na paglilingkod para sa kapakanan ng bawat Los Bañense bilang pundasyon ng mas maunlad na pamayanan.

Nagbigay rin ng espesyal na pagtatanghal si LBirit Star Grand Champion 2025 Ms. Jasmin Palis sa awiting “Dakilang Lahi,” habang ipinahatid ni Vice Mayor Alipon ang kanyang mensahe ng pasasalamat at pagkakaisa. Nagtapos ang pagdiriwang sa reenactment ng pagtataas ng watawat noong deklarasyon ng kalayaan na itinanghal ng The Artist Inc. sa pangunguna ni Mr. Edward Perez, habang pinadaloy ang programa nila Local Youth Development Officer Ms. Revilyn D. Perez at General Service Officer Engr. Raymond Joseph B. Paraiso.

Sa diwa ng Kalayaan, nawa’y patuloy nating pahalagahan ang kasarinlang ating tinatamasa sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan at tapat na paglilingkod sa bayan.

#Kalayaan2026

#128thPhilippineIndependenceDay

#ArawNgKalayaan

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

via CJSA/PIO-MGLB

 246 Total Views

Related:


;