Tadlac Lake Technical Working Group held its Second Quarter Meeting (June 10, 2026)
Nagtipon ang mga miyembro ng Tadlac Lake Technical Working Group (TWG) para sa kanilang 2nd Quarter Meeting nitong ika-10 ng Hunyo 2026 (Miyerkules) sa Municipal Conference Room, upang talakayin ang mga pangunahing usapin at hakbang para sa pangangalaga at napapanatili ng pamamahala ng Tadlac Lake. Dumalo sa pulong sina Municipal Administrator Virgilio Tiongson, Jr., Municipal Engineer Ricky Estopace, MENRO Focal Person Sitti Fatima A. Traje, at MUDHO Head Karen Joy B. Coronado kasama sina Draftsman II Mr. Ronald Guevarra, at Zoning Officer II Ms. Jasmilyn B. Cunanan, ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), at Admin Aide Ms. Echel Mea Matundan ng Municipal Tourism Office.
Kabilang din sa mga dumalo sina Punong Barangay Jaime B. Buendia ng Barangay Tadlac, MFARMC Chairperson Mr. Joey Y. Barcala, at BFARMC President Mr. Napoleon L. Olvida. Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) na sina Engineer II Ekp Mercado, LO I Ms. Vhea Anthonette Estimadora, PEO III Ms. Soledad A. Reyes, at PDO II Mr. Dennis Tiongson. Dumalo rin ang Presidente ng Laresio na si Mr. Jomel Lunod, maging si Mr. Albert P. Sacabon ng BFAR Region IV-A, at sina Forest Technician I Ms. Bea Isabel Mae O. Sarmiento, at Forester I Ms. Abigail A. Valdez ng PENRO Laguna.
Tinalakay sa pulong ang mga mga kasalukuyang isyu at hamon sa pamamahala ng lawa, mga ulat mula sa mga katuwang na ahensya at organisasyon, at iba pang mga hakbang tungo sa mas epektibong pangangalaga at napapanatiling pamamahala ng Tadlac Lake para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon ng mga Los Bañense.
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
