MENU
Philippine Standard Time:
Fourth day of “Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman” extended educational support to more pupils in Los Baños (June 11, 2026)
Published date: Jun 11, 2026
Fourth day of “Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman” extended educational support to more pupils in Los Baños (June 11, 2026)

Muling umarangkada sa ikaapat na araw ng programang “Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman: School Supplies Distribution 2026” ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Naging matagumpay ang pamamahagi ng mga school supplies para sa mga mag-aaral ng Pre-Elementary at Grade 1 sa Paciano Rizal Elementary School, Lopez Elementary School, at BN Calara Elementary School nitong Hunyo 11, 2026 (Huwebes), sa pangunguna nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, at Hon. Aldous Amiel B. Perez upang matiyak na may sapat na kagamitang pampaaralan ang mga kabataan sa pagsisimula ng kanilang pag-aaral.

Naging katuwang sa programa sina OPCEN Head Dr. Milbert B. Aguas at Mr. Nathan Antonio ng Operations Center (OPCEN), kasama ang mga kinatawan ng Public Order and Safety Office (POSO), sa pakikipagtulungan ng DepEd Los Baños sa pangunguna ni Public School District Supervisor Dr. Soledad Villanueva, mga school principals, school heads, guro, teacher aides, at mga kinatawan ng barangay. Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni Ms. Revilyn Perez, OIC-LYDO, bilang patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng maayos na simula sa pag-aaral ang bawat kabataang Los Bañense tungo sa mas maliwanag at mas umaabanteng kinabukasan.

#SchoolSuppliesDistribution

#AbanteKabataanAbanteSaKaalaman

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

via CJSA/PIO-MGLB

 208 Total Views

Related:


;