MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Neil Nocon led third day of school supplies distribution across public schools in Los Baños (June 10, 2026)
Published date: Jun 10, 2026
Mayor Neil Nocon led third day of school supplies distribution across public schools in Los Baños (June 10, 2026)

Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang ikatlong araw ng programang “Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman: School Supplies Distribution 2026” bilang suporta sa edukasyon ng mga kabataang Los Bañense. Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng mga school supplies para sa mga mag-aaral ng Pre-Elementary at Grade 1 sa San Antonio Elementary School, sa pangunguna ni Mayor Nocon nitong Hunyo 10, 2026 (Miyerkules). Samantala, pinangunahan naman nina Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon at Hon. Aldous Amiel B. Perez ang distribusyon sa Maahas Elementary School at Bayog Elementary School upang matiyak na ang mga mag-aaral ay may sapat na kagamitan sa pagsisimula ng kanilang pag-aaral.

Naging katuwang sa programa sina OPCEN Head Dr. Milbert B. Aguas at Mr. Nathan Antonio ng Operations Center (OPCEN), at mga kinatawan ng Public Order and Safety Office (POSO), na may buong suporta nila Public School District Supervisor Dr. Soledad Villanueva ng DepEd Los Baños mga School Principals, School Heads, Teachers, Teacher Aides, at mga kinatawan ng barangay. Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni Ms. Revilyn Perez, OIC-LYDO, bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na mapalawak ang suporta sa edukasyon at mabigyan ng mas maayos na simula ang bawat batang Los Bañense tungo sa mas umaabanteng kinabukasan.

#SchoolSuppliesDistribution

#SanAntonioElementarySchool

#MaahasElementarySchool

#BayogElementarySchool

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

via CJSA/PIO-MGLB

 

 172 Total Views

Related:


;