Senior citizens received Second Quarter DSWD Social Pension in Los Baños (July 10, 2026)
Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang matagumpay na pagsasagawa ng DSWD Social Pension Payout para sa Ikalawang Kwarter nitong Hunyo 10, 2026 (Miyerkules) para sa mga benepisyaryong senior citizens na may edad 71 hanggang 99 taong gulang. Isinagawa ang payout sa iba’t ibang barangay upang maging mas mabilis at maginhawa ang pagkuha ng pensyon. Kabilang sa mga naging payout venues ang Evacuation Center Gymnasium para sa mga benepisyaryo ng Baybayin, Timugan, at San Antonio; Malinta Covered Court at Anos Covered Court para sa Malinta at Anos; Bayog Covered Court at Tadlac Evacuation Center para sa Bayog at Tadlac; Lopez Elementary School Auditorium at Tuntungin-Putho Covered Court para sa Batong Malake at Tuntungin-Putho; Mayondon Sports Complex para sa Mayondon; Maahas Covered Court para sa Maahas; Municipal Activity Area para sa Bambang at Bagong Silang; at Lalakay Barangay Hall para sa Lalakay.
Naging mabilis at maayos ang distribusyon ng pensyon upang matulungan ang ating mga nakatatanda sa kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Municipal Treasury Office (MTO), at mga katuwang na barangay. Muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang matatag nitong pangako na unahin ang kapakanan ng mga senior citizen sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng dignidad, kalinga, at pantay na pag-unlad para sa bawat mamamayan.
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
