Capacity Development and Oath-Taking Ceremony for Lupong Tagapamayapa Held in Los Baños (June 9, 2026)
Isinagawa ang Capacity Development at Oath Taking Ceremony para sa mga Lupong Tagapamayapa nitong ika-9 ng Hunyo 2026 (Martes) sa Municipal Conference Hall, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kakayahan ng mga lingkod-barangay sa pagpapatupad ng maayos, mabilis, at makatarungang paglutas ng mga sigalot sa komunidad. Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal ng Lupon Federation, bilang pagpapatibay sa kanilang mahalagang tungkulin sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at katarungan sa bawat barangay.
Kasabay nito, isinagawa ang capacity development training na naglalayong higit pang mapaunlad ang kaalaman at kakayahan ng mga Lupong Tagapamayapa sa epektibong pagganap ng kanilang mga tungkulin. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Lupon Federation na kinabibilangan nina Mr. Pio S. Mijares, Lupon Federation President; Mr. Dante R. Garcia, Vice President; Mr. Arnel Lopez, Secretary; Ms. Florenzia D. Villa, Treasurer; Mr. Victor De Villa, Auditor; at Ms. Gemma G. Cangao, Internal/PRD External. Aktibo silang nakibahagi sa mga talakayan at pagsasanay na naglalayong higit pang mapahusay ang kanilang kaalaman at kakayahan sa paghahatid ng serbisyong pangkapayapaan at katarungan sa kanilang mga nasasakupan.
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
