MENU
Philippine Standard Time:
SDG Localization Seminar-Workshop advanced sustainable development planning in Los Baños (July 4, 2026)
Published date: Jun 4, 2026
SDG Localization Seminar-Workshop advanced sustainable development planning in Los Baños (July 4, 2026)

Aktibong nakilahok ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa isinagawang Sustainable Development Goals (SDG) Localization Seminar-Workshop ng College of Public Affairs and Development (CPAF), UPLB nitong ika-4 ng Hunyo 2026 (Huwebes) sa CPAF Multi-Purpose Hall. Pinangunahan ang delegasyon ng Los Baños nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, MPDC Twila T. Torres, MSWDO Hanna Erika E. Laviña, Municipal Agriculturist Cheryll L. Gonzalez, MDRRMO Cynthia Quintans, at MENRO Focal Person Sitti Fatima A. Traje. Ang programa ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa mga Pamahalaang Lungsod ng Calamba at Santa Maria, bilang bahagi ng pagpapalakas ng lokal na pagpapatupad ng Sustainable Development Goals (SDGs).

Nagbigay ng pambungad na mensahe si Dr. Rhea L. Gumasing, Dean ng CPAF, habang pinangunahan ni Dr. Maria Anna T. Quimbo ng IGRD-CPAF ang pagpapakilala sa mga kalahok. Inilahad naman ni Ms. Mena E. Umali ng CISC-CPAF ang overview ng seminar-workshop. Samantala pinangunahan ni Dr. Nuttavikhom “Kay” Phanthuwongpakdee, Assistant Professor ng Thammasat University at EPIC-N Asia Program Coordinator bilang resource person at facilitator ang interactive reflection activity at talakayan ukol sa praktikal na lokal na pagpapatupad ng Sustainable Development Goals (SDGs).

Isinagawa rin ang debriefing, reflection session, at SDG localization planning activity sa pakikipagtulungan ng mga kalahok, CISC REPS, at mga facilitator. Bilang pagtatapos, ibinahagi ni Dr. Nico Jayson C. Anastacio, Director ng CISC-CPAF, ang mga susunod na hakbang para sa mas epektibong integrasyon ng SDGs sa mga lokal na programa at polisiya. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang inklusibo at sustenableng kaunlaran para sa bawat mamamayan.

#SDGLocalizationSeminarWorkshop

#SustainableDevelopmentGoals

#CPAFUPLB

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

via CJSA/PIO-MGLB

 168 Total Views

Related:


;