“Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman: School Package 2026” empowered young learners through school supplies distribution in Los Baños (June 5, 2026)
Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na palakasin ang pundasyon ng edukasyon sa bawat barangay, matagumpay na naipamahagi ang mga school supplies sa mga RIC learners at Day Care students sa ilalim ng programang “Abante Kabataan, Abante sa Kaalaman: School Package 2026.”
Pinangunahan ito ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon katuwang ang Local Youth Development Office sa pangunguna ni OIC-LYDO Ms. Revilyn Perez. Layunin ng programang ito na matulungan ang mga batang mag-aaral sa kanilang pagkatuto sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang gamit sa paaralan na magsisilbing suporta sa kanilang araw-araw na pag-aaral. Ipinakita rin ni Hon. Vice Mayor Marlo P.J. Alipon ang kanyang buong suporta sa programa, bilang bahagi ng mas pinalakas na inisyatiba ng lokal na pamahalaan para sa kabataan at edukasyon.
Ang pamamahagi ng school supplies package ay hindi lamang simpleng tulong, kundi isang hakbang patungo sa mas matatag na kinabukasan ng mga batang Los Bañense; isang paalala na sa bawat kagamitang ibinibigay, kasabay nito ang paghubog ng pangarap at pag-asa.
#AbanteKabataan
#AbanteKaalaman
#SchoolSuppliesPackage
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
