MENU
Philippine Standard Time:
DILG and MGLB conducted skills evaluation for TOP Barangay Tanod Program (June 1, 2026)
Published date: Jun 1, 2026
DILG and MGLB conducted skills evaluation for TOP Barangay Tanod Program (June 1, 2026)

Sa pagpapatuloy ng adbokasiya para sa mas epektibo at handang hanay ng mga Barangay Tanod, nagsagawa ng evaluation at demonstration of skills ang Department of the Interior and Local Government (DILG), katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, para sa mga kalahok sa Trailblazers for Outstanding Performance of Barangay Tanod (TOP Barangay Tanod) noong Hunyo 1, 2026 (Lunes) sa Municipal Audiovisual Room. Ang aktibidad ay naglalayong suriin ang aktuwal na aplikasyon ng kanilang mga natutunan sa pagsasanay bilang paghahanda sa kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Sa isinagawang presentasyon at pagsasanay, ipinakita ng mga kalahok mula sa Barangay San Antonio, Timugan, Bayog, Baybayin, Tuntungin, Batong Malake, Lalakay, Mayondon, at Bambang ang kanilang kasanayan at kahandaan sa mga sitwasyong nangangailangan ng mabilis na pagtugon at tamang pamamaraan bilang mga barangay tanod. Kinilala rin ang mga nagsilbing TOP Tanod Validators sa kanilang mahalagang papel sa pagsiguro ng maayos at patas na proseso ng pagsusuri. Kabilang dito sina JINSP Joel Pamfilo N. Del Rosario, PCPL Fatima Venus V. Juarez, MDRRMO Ms. Cynthia N. Quintans, Ms. Bernadine Maranan, Mr. Melquiades G. Evangelista, SFO1 Zion William A. Maningas, JO1 Sidney Irish G. Go, FO1 Ricardo L. Culvera Jr., FO1 Jeffrey M. Moraleja, JO1 Devie Jane L. Isidro, at Ms. Romalyn Joy D. Cariño. Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagpapalakas ng kapasidad at dedikasyon ng mga Barangay Tanod sa bayan ng Los Baños.

#TOPBarangayTanod

#TrailblazersForOutstandingPerformance

#DepartmentOfInteriorAndLocalGovernment

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

via CJSA/PIO-MGLB

 273 Total Views

Related:


;