Los Baños and BPI lead PhilGAP & LSA Awards, MOU Signing, and Billboard Launch at S&S Plaza SciCAT Farm (June 1, 2026)
Matibay na sinuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang “Awarding of PhilGAP & LSA Certificates, Memorandum of Understanding (MOU) Signing, at Billboard Launching” na isinagawa noong Hunyo 1, 2026 (Lunes) sa Bureau of Plant Industry (BPI) Los Baños Seeds and Seedlings (S&S) Plaza SciCat Farm. Nagbigay ng mensahe si Mayor Nocon bilang pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang nagsusulong ng ligtas at produktibong agrikultura. Nakiisa rin sina Ms. Erlene A. Delgado, Municipal Agriculturist ng San Pablo City; Mr. Christian A. Regulacion, kinatawan ng LGU Siniloan; Ms. Pamela C. Perez, at PhilGAP DA-R4O Representative.
Tampok din sa programa ang keynote messages nina Dr. Rolando Maningas, Center Director ng ATI-CALABARZON, at Dr. Reynaldo Ebora, Executive Director ng DOST-PCAARRD. Isinagawa rin ang paggawad ng PhilGAP at LSA Certificates, presentasyon ng mga tungkulin ng LSA, unveiling ng LSA Billboard, at farm tour sa BPI Los Baños S&S Plaza SciCAT Farm. Sa pagtatapos ng aktibidad, nagpahayag ng pasasalamat si Dr. Herminigilda Gabertan, Assistant Director ng RDPSS-BPI, sa lahat ng katuwang at stakeholder kabilang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, na patuloy na nagsusulong ng pag-unlad at modernisasyon ng sektor ng agrikultura.
#BureauOfPlantIndustry
#LosBañosSeedsAndSeedlings
#SandSPlazaSciCatFarm
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
