Lakbay Los Baños Heritage Walk with PhilNoni, TIEZA and DILG revived appreciation for Los Baños’ historical landmarks (May 29, 2026)
Muling isinagawa ang Lakbay Los Baños Heritage Walk noong Mayo 29, 2026 (Biyernes) bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mayamang kasaysayan at kultura ng Bayan ng Los Baños. Nakiisa sa aktibidad ang mga opisyal at kinatawan ng Phil. Morinda Citrifolia Inc. (PhilNoni) kabing si ni Doc Eleutario “Bunny” Bernardo, kasama ang mga kinatawan mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at Department of the Interior and Local Government (DILG). Hangad ng programa na maipakilala at maitaguyod ang mahahalagang pamanang kultural at makasaysayang lugar ng bayan bilang bahagi ng pagpapalakas ng turismo at lokal na identidad.
Binisita ng grupo ang iba't ibang makasaysayang pook sa bayan kabilang ang Los Baños Municipal Hall, UPLB Foundation Site, Los Baños Train Station, Ruins of Agua Santa Resort, Statue of Padre Pedro Bautista sa Lakeview Resort, Immaculate Conception Parish Church, Ruins of the 1st Los Baños Municipal Hall, Ruins of the Old Pantalan, mga lumang bahay sa kahabaan ng Villegas Street, Poblacion Public Market, Old Los Baños Municipal Hall, General Paciano Rizal Shrine, at Caesar P. Perez Memorial Therapeutic Massage Center and Health Spa. Higit na naipakita sa aktibidad na ito ang kahalagahan ng pagpapanatili at pagtataguyod sa mga makasaysayang pook na sumasalamin sa mayamang kasaysayan, kultura, at pamana ng Los Baños para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.
#TourismInfrastructureAndEnterpriseZoneAuthority
#DepartmentOfInteriorAndLocalGovernment
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
