Los Baños Sunset at the Park feat. open mic performances (May 30, 2026)
Ipinamalas ng mga Los Bañense ang kanilang husay at pagkamalikhain sa open mic performances nitong ika-30 ng Mayo 2026 (Sabado) sa Los Baños Sunset at the Park ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Neil Andrew N. Nocon. Nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na ibahagi ang kanilang talento, na nagbigay-buhay sa isang gabi ng musika at malikhaing pagpapahayag.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang suporta sa sining at kultura habang lumilikha ng mga pagkakataong mapagyaman ong turismo at maipakilala ang talento ng mga mamamayan. Naging isang makabuluhang gabi ito ng musika, pagkakaisa, at pagdiriwang ng natatanging galing ng mga Los Bañense.
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
