Brigada Eskwela 2026 highlighted strong stakeholder support in Los Baños (June 1, 2026)
Ginawaran ng Certificate of Appreciation si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon bilang pagkilala sa kanyang mahalagang ambag at patuloy na suporta bilang aktibong stakeholder sa pagbubukas ng Brigada Eskwela 2026 na may temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman” nitong Hunyo 1, 2026 (Lunes) sa Lopez Elementary School. Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Department of Education Los Baños, lokal na pamahalaan, at iba’t ibang sektor ng komunidad ang programa na pinangunahan nina Dr. Glicelle Gee Jay A. Terrenal, Principal III, at Dr. Soledad S. Villanueva, PSDS ng Los Baños. Nagbigay rin ng mga inspirational messages ang kinatawan ni Dr. Editha M. Atendido, CESO V, Schools Division Superintendent, at Mayor Nocon, na kapwa nagpahayag ng kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang matiyak ang maayos, ligtas, at dekalidad na kapaligiran sa pag-aaral para sa mga mag-aaral.
Nagpahayag naman ng suporta sina Hon. Jay G. Rolusta, Chairperson ng Sangguniang Bayan Committee on Education; Municipal Agriculturist Ms. Cheryll L. Gonzales; Acting Municipal Civil Registrar Ms. Jenette Palisoc; PLTCOL Alexy E. Sonido, Chief of Police ng Philippine National Police Los Baños; Fire Senior Inspector Sid Vincent V. Manaig, Chief ng Bureau of Fire Protection; Ms. Arly D. Lamigo, Pangulo ng Rotary Club of Makiling; Dr. Chester Alexis C. Buama, Member ng Laguna State Polytechnic University Board of Regents; at Ms. Luzviminda C. Malibiran, Federated PTA President.
Naging bahagi rin ng programa ang turnover ng mga donasyon na painting materials para sa Brigada Eskwela, at ang pagkilala sa mga katuwang at sponsor, na pinangunahan ni Ms. Sylvia M. Encabo, Principal IV, bago pormal na ideklara ni Dr. Soledad Villanueva ang pagbubukas ng Brigada Eskwela 2026. Nagtapos ang programa sa panawagan ng patuloy na bayanihan at pakikiisa ng buong komunidad para sa kapakanan at tagumpay ng edukasyon sa Bayan ng Los Baños.
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
