MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (First Monday of June 2026)
Published date: May 31, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (First Monday of June 2026)

Isinagawa nitong Hunyo 1, 2026 ang unang Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Hunyo ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Pinangunahan ito ng Office of the Municipal Treasurer sa pamumuno ni Ms. Maria Luisa Diaz, Municipal Treasurer, kung saan inilahad niya ang mga naging accomplishment at mahahalagang programa ng kanilang tanggapan para sa bayan.

Dumalo rin sa naturang seremonya sina Hon. Aldous Amiel Perez at Hon. Jay Rolusta, kasama ang mga department at unit heads ng pamahalaang bayan. Nakiisa rin ang mga miyembro ng DILG Family kabilang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bilang pagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na pagtutulungan para sa maayos at episyenteng paglilingkod publiko.

Patuloy na nagsisilbing daan ang lingguhang Flag Raising Ceremony upang pagtibayin ang pagkakaisa, disiplina, at dedikasyon ng bawat kawani ng pamahalaan sa paghahatid ng tapat at mahusay na serbisyong diretso sa tao para sa mamamayan ng Los Baños.

#FlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 189 Total Views

Related:


;