MENU
Philippine Standard Time:
TIEZA and MGLB explored development opportunities for Old Pantalan in Los Baños (May 29, 2026)
Published date: May 29, 2026
TIEZA and MGLB explored development opportunities for Old Pantalan in Los Baños (May 29, 2026)

Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong ika-29 ng Mayo 2026 (Biyernes) ang isang mahalagang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) kaugnay ng ipinanukalang pagpapaunlad ng Old Pantalan bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng lokal na pamahalaan sa turismo, imprastraktura, at pangmatagalang kaunlaran ng bayan ng Los Baños. Dumalo mula sa TIEZA sina Mr. Romulo Nuesca Jr., Ms. Anne Gavria, at Mr. Mark Honrado, habang kinatawan naman ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) si Mr. Dennis Tiongson. Tinalakay sa pagpupulong ang mga posibleng plano at hakbang upang higit na mapakinabangan ang potensyal ng Old Pantalan bilang isang mahalagang pook-pamamasyal at sentro ng kaunlarang pangkabuhayan para sa mga mamamayan.

Kasama rin sa pagpupulong ang iba’t ibang opisyal at kinatawan mula sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños, kabilang sina Municipal Engineer Ricky R. Estopace, Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) Twila T. Torres, Municipal Urban Development and Housing Office (MUDHO) Head Karen Joy B. Coronado, Engr. Jimhill B. Maligalig, at Engr. Bernie S. Ventura, kasama ang mga kawani mula sa Tourism Office, MUDHO, at PIO. Ipinahayag ng lokal na pamahalaan ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya upang maisakatuparan ang mga proyektong magbibigay ng mas maayos, makabago, at masiglang pampublikong espasyo na makatutulong sa pagpapaunlad ng turismo at ekonomiya ng Los Baños.

#ProposedDevelopmentOfOldPantalan

#TourismInfrastructureAndEnterpriseZoneAuthority

#TIEZA

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

 

via CJSA/PIO-MGLB

 118 Total Views

Related:


;