School safety and readiness inspections continued across Los Baños (May 29, 2026)
Patuloy na pinaigting ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng isinagawang inspeksyon sa BN Calara Integrated National High School at Malinta Elementary School nitong ika-29 ng Mayo 2026 (Biyernes). Personal na sinuri ni Mayor Nocon ang kalagayan ng mga pasilidad, seguridad, kalinisan, at pangkalahatang kahandaan ng mga paaralan upang matiyak ang ligtas, maayos, at episyenteng kapaligiran para sa mga mag-aaral at guro sa bayan. Sa BN Calara Integrated National High School, nakipag-ugnayan si Mayor Nocon kina Principal Abigail A. Aningalan at Admin Assistant Mr. Joey Pamulaklakin, habang sa Malinta Elementary School naman ay nakipagtalakayan siya sa mga guro at faculty members sa pangunguna nu Principal Romelda De Jose hinggil sa mga pangangailangan at mga hakbang upang higit pang mapabuti ang kalidad ng kapaligiran sa pagkatuto.
Kasama ni Mayor Nocon sa isinagawang inspeksyon ang Municipal Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Ricky Estopace, ang Philippine National Police–Los Baños (PNP-LB) sa pamumuno ni PLTCOL Alexy Sonido, mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), mga kawani ng Operations Center (OPCEN), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Public Order and Safety Office (POSO). Buong pusong sumuporta rin sa aktibidad sina Punong Barangay Hon. Jesus H. De Una Jr. ng Barangay Malinta, at Punong Barangay Hon. Benito B. Elec ng Barangay Anos kasama ang mga BPSO Tanod ng mga barangay na sakop ng inspeksyon. Sa sama-samang koordinasyon ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang tanggapan, muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pangako nitong tiyakin ang ligtas, maayos, at handang kapaligiran para sa edukasyon at kapakanan ng bawat mag-aaral sa bayan.
#PublicSchoolsInspection
#BNCalaraIntegratedNationalHighSchool
#MalintaElementarySchool
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
